Noong ika-10 ng Marso 2026, malugod na binuksan ng Baybayin Ateneo ang unang pagkakataong mapanood ang 21st Cinemalaya Best Film “Bloom Where You Are Planted” sa Pamantasang Ateneo de Manila.

By Sigla: Ateneo Cultural Convention
Published March 14, 2026
Noong ika-10 ng Marso 2026, malugod na binuksan ng Baybayin Ateneo ang unang pagkakataong mapanood ang 21st Cinemalaya Best Film “Bloom Where You Are Planted” sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa isa’t kalahating oras na dokumentaryo, ipinakita ang mga karanasang dinanas ng mga aktibista, partikular nina Agnes at Gab Mesina, Amanda Echanis, at Randy Malayao, sa Cagayan Valley kung saan laganap ang red-tagging.
Matapos ang panonood ng pelikula, nagkaroon din ng pagkakataong kausapin ang bidang si Amanda Echaris, Producer Alex Poblete, at Direk Noni Abao, kasama si Sir Harvey Castillo ng Kagawaran ng Filipino, ukol sa motibo at nilalaman ng pelikula. Maraming mga makabuluhang punto ang mga naibahagi sa pagkakataong ito, kung saan ikinuwento nila ang kanilang mga dinanas na hirap upang ipakita ang katotohanang ito sa sambayanang Pilipino.
Nais po naming pasalamatan ang Bloom Where You Are Planted team sa kanilang tulong sa pagdala ng pelikulang ito sa pamantasan. Maraming salamat din po sa lahat ng dumalo. Patuloy tayong makinig at tumindig.
Katuwang ang:
Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila
Ateneo Institute of Literary Arts and Practices
Rizal Library Ambassadors
Rizal Library
Ateneo Lingua Ars Cultura
School of Humanities Sanggunian
Science and Technology Organization of Ateneo
#BloomWhereYouArePlanted
#BaybayinAteneo
#BaybayinSIGLA2026
#MakinigTumindig
#LagingParaSaBayan
Panulat ni Lio Samaniego
Kuha nina Lio Samaniego at Alexis Que
